Eto highlight ko kagabi sa 5th Anniversary ng KoolPals. Uuwi na dapat ako, medyo pagod na dahil galing pa ko sa isang event sa Makati at lowbat na rin ang phone ko. Nagawa ko na rin naman yung goal ko na maiabot ung mga shirts para sa Koolpals!
Kaso nakita ko si Jay sa backstage. Sabi ko need kong magpakilala sa kanya.
After magcharge, bumalik ako. Nagkekwentuhan sila ni Yael (Spongecola) kaya di ko sila maistorbo hanggang sa nakakuha na ako ng pagkakataon.
First encounter ko kay Jay ay noong nag-dm sya sa’kin via Instagram wayback 2019 para magpagawa ng designs and logo. Highlight ng career ko yun bilang artist kaya nung nakita ko sya kagabi, di ko pinalampas.
Nakikita ko naman sya maraming beses na kapag nakasampa sila sa stage, pero ibang klaseng moment yung kagabi.
Kwentuhan. Kamustahan. Salamat sa oras, kap! Ang saya lang ng puso ko ![]()


Leave a Reply